今週の動画

PRESYO NG ITLOG KADA KILO PUMALO NA SA 284 YEN

Ibinunyag ng subsidiary ng National Federation of Agricultural Cooperative Associations na tumaas ang presyo ng mga itlog sa Japan ngayong Disyembre.

Ayon sa ulat ng NHK Japan-World, pumalo na sa 284 yen kada kilo ang presyo ng medium-size na itlog sa Tokyo, mas mataas ng 74 yen kumpara noong nakaraang taon ng parehong buwan.

Ang pagtaas umano ay bunsod na rin ng pagtaas ng pakain sa mga manok at ang patuloy na pagkalat ng bird flu sa bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!