今週の動画

IPON NG MGA SINGLE SA JAPAN UMAABOT NG 7.07 MILYON YEN

Lumabas sa online survey na isinagawa ng The Gibraltar Life Insurance Co. na umaabot sa halos 7.07 milyon yen ang ipon ng mga single sa Japan batay sa 4,700 na sinurvey.

Ayon sa The Mainichi Shimbun, nasa 7.35 milyon yen ang average savings ng mga kalalakihan habang nasa 6.8 milyon naman sa mga kabababaihan na nasa edad 20 hanggang 69.

Ang mga single na residente sa Ishikawa Prefecture ang may pinakamaraming ipon na nasa 13.03 milyon yen. Sinundan ito ng mga taga-Saitama na nasa 11.7 milyon yen habang nasa 11.47 milyon naman ang mga taga-Kanagawa. Pinakamaliit naman ang ipon ng mga nasa Tokushima Prefecture na nasa 2.88 milyon yen.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!