今週の動画

MGA MAHIHIRAP NA DAYUHANG RESIDENTE SA JAPAN MAY KARAPATANG HUMINGI NG TULONG SA GOBYERNO

May karapatang humingi ng tulong pinansiyal ang mga mahihirap na residente kabilang na ang mga dayuhan na long-term at permanent visa holders sa ilalim ng Public Assistance Act.

Nalinaw ito matapos na mabigyan ng maling impormasyon ng isang staff ng city hall ng Anjo, Aichi Prefecture ang isang babaeng Brazilian, 41, na may resident visa. Dahil nawalan ng trabaho ang asawa at nakulong ito at naaresto sa ilegal na pagmamaneho, napilitan lumapit ang babae sa city hall. Sinabihan umano ang babae ng staff hindi siya pwedeng mabigyan ng tulong at pinababalik na lang ito sa kanyang bansa.

Muling nag-apply ang babae ng assistance noong Nobyembre at nabigyan ng tulong noong Disyembre 22 kasama ang paghingi ng paumanhin ng supervisor ng nasabing staff.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

\ 最新情報をチェック /