今週の動画

DOKTOR UMAMIN NA NAGPABABA SA AMBULANSYA PARA MAKIPAGKITA SA KAIBIGAN

Nalagay sa alanganin ang isang trainee na doktor mula sa Konan Kosei Hospital sa Aichi Prefecture matapos na magpababa ito sa Fujigaoka Station nang mailipat ang dinalang pasyente sa Aichi Medical University Hospital.

Ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun, pagkaraan na maghatid ng doktor sa ospital ay nagtanong ito kung maaari siyang ibaba ng ambulansya sa Fujigaoka Station at nagsabing may permiso siya mula sa kanyang boss.

Umamin sa isinagawang hearing ng ospital na may plano ang doktor, nasa edad 20s, na makipagkita sa isang kaibigan kaya nagpababa ito sa ambulansya. Agad na humingi ng paumanhin ang fire department na nagdispatsa ng ambulansya dahil sa insidente at nangakong hindi na ito mauulit.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!