今週の動画

LALAKI PATAY SA PANANAKSAK SA KANAGAWA

Patay ang 55-taong-gulang na si Hiroyuki Shikata matapos na saksakin ng ‘di pa nakikilalang suspek sa kanyang tahanan sa Chigasaki, Kanagawa Prefecture.

Sa ulat ng Kyodo News, sinabi ng asawa nito na binuksan ng biktima ang kanilang pintuan nang may mag-doorbell at pagkabukas nito ay pinagsasasaksak na si Shikata ng suspek.

Agad na dinala sa ospital ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay dahil sa mga saksak sa ulo at dibdib.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!