今週の動画

MGA SIKLISTA KAILANGANG MAGSUOT NG HELMET SIMULA ABRIL 2023

Inaprubahan ng gobyerno ng Japan ang ordinansa kung saan lahat ng mga siklista ay kailangang magsuot ng helmet simula Abril 2023.

Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, sinusugan ng Japan ang Road Traffic Act simula Abril 2023 kung saan lahat ng mga siklista ay obligadong magsuot ng helmet kahit na wala pang nakalagay na parusa sakaling lumabag dito. Dati, ang mga nasa edad 13 pababa lamang ang kailangang magsuot ng helmet.

Sinabi ng National Police Agency na tinatayang nasa 1,237 siklista ang malalang nasugatan sa ulo sa mga aksidente sa pagbibisikleta sa pagitan ng 2017 at 2021 kung saan doble ang bilang ng mga namatay dahil walang suot na helmet.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!