93-TAONG-GULANG NA LALAKI MUNTIK NANG MA-SCAM NG 300,000 YEN
Muntik nang ma-scam ng 300,000 yen ang isang 93-taong-gulang na lalaki noong Nobyembre 20 na bibili sana ng e-money cards sa 7-Eleven sa Takashima, Shiga Prefecture matapos makatanggap ng isang text message.
Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, nakaiwas sa scam ang lalaki matapos na tulungan ito ng isang staff ng 7-Eleven na kinilalang si Kazue Umino, 61. Nang bibili na ng e-money cards ay itinawag ito ni Umino sa store manager upang kumpirmahin at nang mapag-alaman na isa itong scam ay agad na ini-report sa mga pulis.
Binigyan ng certificate of appreciation ng mga pulis si Umino dahil sa pagtulong na sugpuin ang scam sa lugar, na ikatlong beses na nangyari sa naturang sangay ng 7-Eleven.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan