PAGKAKAROON NG ‘OVERSEAS POLICE’ NG CHINA SA JAPAN, IBINUNYAG
Ibinunyag ng Foreign Ministry ang pagkakaroon ng “overseas police” bases ng China sa Japan sa isinagawang joint meeting ng Liberal Democratic Party’s Foreign Affairs Subcommittee at iba pa. Ito ay batay umano sa isinumiteng ulat ng isang Spanish non-government organization.
Ayon sa The Yomiuri Shimbun, lumabas sa naturang ulat na nagtayo ang mga awtoridad sa China ng dalawang overseas police bases sa Japan. Ang isa ay ang Fuzhou public security bureau ng Fujian Province sa Tokyo habang ang isa naman ay ang Nantong public security bureau ng Jiangsu Province sa ‘di pa matukoy na lugar sa bansa.
Ipinaabot ng Foreign Ministry sa China na hindi ito katanggap-tanggap at isang paglabag sa kasarinlan ng Japan.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”