今週の動画

PULIS NA NAGNAKAW NG JELLY SNACK, NAGBITIW SA TUNGKULIN

Nagbitiw sa tungkulin ang isang police assistant inspector matapos na maakusahan na nagnakaw ng jelly snack, na nagkakahalagang 300 yen, at mabigyan ng 10 porsyento na kaltas sa kanyang sweldo sa loob ng tatlong buwan bilang disciplinary action.

Ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun, namili ang pulis ng ilang produkto sa isang supermarket sa Saitama noong Oktubre 19 kung saan nahuli umano ng staff na nag-shoplift ito ng jelly snack.

Sinita umano ng staff ang suspek at itinawag ang insidente sa istasyon ng pulis. Nagbitiw sa tungkulin ang pulis noong Disyembre 12, ang mismong araw na ipinadala sa kanya ang disciplinary action.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!