UNYON NG MGA FOREIGN TRAINEES SA JAPAN, PINASINAYAAN
Pinasinayaan ang bagong unyon na para sa manggagawang dayuhan sa Japan nitong Disyembre 19 sa Tokyo.
Sa ulat ng NHK World-Japan, ekslusibo para sa mga dayuhang manggagawa sa Japan ang unyon at kasalukuyang mayroong 20 miyembro na halos Vietnamese technical trainees at estudyante na nagtatrabaho nang part-time.
Binuo ang naturang unyon upang masolusyunan ang mga problemang kinakaharap ng mga dayuhang manggagawa sa Japan tulad ng ‘di makatarungang pagtatanggal sa trabaho at ‘di pagpapasahod nang tama. Nakatakda umanong sumanib ang unyon sa Rengo Tokyo, na bahagi ng Japanese Trade Union Confederation, isa sa pinakamalaking organisasyon ng mga manggagawa.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”