MAG-ASAWA HINULI DAHIL SA PAGBEBENTA NG PEKENG PIPO-KUN STICKERS
Inaresto ng mga pulis ang mag-asawa mula sa Aichi Prefecture dahil sa pagbebenta ng pekeng stickers na kamukha ng Tokyo police mascot na si Pipo-kun. Lumabag umano ang dalawa sa Trademark Act.
Sa ulat ng The Mainichi, nagbenta ang mag-asawa ng pekeng stickers sa Mercari flea market app noong 2021 sa halagang 3,000 yen. Nagsimula umano ang dalawa na magbenta noong 2020 ng stickers sa halagang 1,000 yen kada isa at kumita na ng 80,000 yen.
Umamin ang dalawa sa alegasyon laban sa kanila at sinabing ginamit nila ang kinitang pera sa kanilang mga gastusin sa araw-araw.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan