今週の動画

LALAKI NAGBANTANG SUSUNUGIN ANG BAHAY NG GF SA IBARAKI

Arestado ng mga pulis sa Tsukuba, Ibaraki Prefecture si Kazuki Hongo, 23, isang empleyado, matapos magbantang susunugin ang bahay na tinitirahan ng kanyang girlfriend, 23.

Sa ulat ng Kyodo News, sinabuyan ni Hongo ang sarili ng kerosene at nagbantang papatayin ang sarili at susunugin ang bahay na pagmamay-ari ng 83-taong-gulang na lalaki, na lolo ng kanyang girlfriend.

Hindi naman natuloy ang banta ni Hongo matapos na tumawag ang girlfriend nito sa mga pulis nang matanggap ang text message ng suspek.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!