今週の動画

GAMOT KONTRA PAGTABA INAPRUBAHAN NA NG JAPAN

Inaprubahan na ng gobyerno ng Japan ang pagbebenta ng gamot kontra pagtaba o obesity, na tinatawag na Alli o orlistat, sa mga botika. Ito ang kauna-unahang gamot na inaprubahan ng gobyerno para mapigilan ang pag-absorb ng taba ng katawan.

Ayon sa ulat ng Asahi Shimbun, magiging pormal ang pag-apruba rito sa Marso ng susunod na taon batay sa aplikasyon na isinumite ng Taisho Pharmaceutical Co., ang responsable sa pagdi-distribute at pagbebenta ng gamot sa bansa.

Kailangang inumin ang naturang gamot ng tatlong beses pagkatapos kumain. Magiging mas epektibo ito kung sasamahan ng ehersisyo at low-calorie diet. Nauna nang ibenta ang Alli sa Europa at Estados Unidos.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!