今週の動画

PUBLIKO HINIHIKAYAT NG GOBYERNO NA MAGPABAKUNA KONTRA COVID-19 BAGO MAGBAKASYON

Hinihikayat ang publiko ng COVID-19 countermeasures subcommittee ng gobyerno ng Japan na magpabakuna kontra omicron variant ng novel coronavirus bago magbakasyon sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sa ulat ng The Mainichi, hindi pinipigilan ng gobyerno at mga eksperto na gumawa ng mga plano at aktibidad ang publiko bago matapos ang taon ngunit hinihiling nito na maging responsable sa pagbabakasyon.

Ani ng kumite, na pinapamahalaan ni Shigeru Omi, maaaring tumaas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa pagsapit ng kapaskuhan kaya pinaalalahanan ng publiko na maging maingat at maging handa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!