MALING NGIPIN NA NABUNOT NG DENTISTA SA NAGASAKI HOSPITAL ‘DI PINALAGPAS NG PAMUNUAN
Sinuspinde ng Nagasaki University Hospital ang pagsasagawa ng oral surgery, maliban kung may emergency at simpleng kaso, matapos na mali ang nabunot na wisdom tooth sa tatlong pasyente sa magkakahiwalay na insidente sa loob ng tatlong taon.
Sa ulat ng The Mainichi, nagreklamo ang isang babaeng pasyente na mali ang nabunot na ngipin sa kanya noong Nobyembre 8 ng dentista ng ospital kaya inulit ang operasyon noong Nobyembre 16. Wala umanong nag-report sa malpractice na ito ng dentista at ng oral surgery department.
Dahil dito, natukoy din na nagkaroon ng parehas na kaso noong Disyembre 2020 at Abril 2021 ang departamento. Humingi ng paumanhin si Nagasaki University Hospital Vice-Director Takashi Sawase sa publiko at sa mga pasyente at nangakong aayusin ito.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”