KAPABAYAAN ITINUTURONG DAHILAN SA PAGSABOG NG MANHOLE, DALAWANG TRABAHADOR PATAY
Tinitingnang anggulo ng Metropolitan Police Department – Kasai Police Station ang kapabayaan na nagresulta sa kamatayan bilang dahilan nang pagsabog ng isang manhole sa Edogawa Ward sa Tokyo.
Sa ulat ng Jiji Press, dalawang trabahador, nasa edad 50s at 30s, ang namatay dahil sa naging pagsabog.
Lumabas sa paunang imbestigasyon ng mga pulis na pinapalitan ng dalawang trabahador ang hagdan sa manhole bandang 11:10 ng umaga ng biglang may sumabog mula rito. Agad na dinala sa ospital ang dalawa ngunit parehong hindi nakaligtas ang mga ito sa aksidente.
この記事を書いた人
最新の投稿