51.1 PORSYENTO NG MGA BUNTIS AYAW MAGPABAKUNA KONTRA COVID-19
Tinatayang nasa 51.1 porsyento ang bilang ng mga buntis na ayaw magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa maaaring side effects na maidulot nito umano sa kanilang pagbubuntis. Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng National Center for Child Health and Development sa 10,000 mga kababaihang buntis noong 2021.
Sa ulat ng Jiji Press, nais muna ng mga naturang kababaihan na tingnan ang ilan pang impormasyon hinggil sa pagpapabakuna kontra COVID-19 kung buntis. Nasa 35.6 porsyento naman ang hindi pa nakakapagpabakuna ngunit nais nila itong gawin.
Sinabi ng isang opisyal na bibigyan nila ng karapatan ang mga kababaihang buntis na magdesisyon kung sila ay magpapabakuna kontra COVID-19 o hindi batay sa tamang impormasyon na kanilang nakalap.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan