LALAKI TUMAWAG NG 2,060 BESES SA PULIS, KALABOSO
Inaresto ng mga pulis sa Kawaguchi, Saitama Prefecture si Yoshio Shimada, 67, matapos siyang matukoy na tumawag sa istasyon ng 2,060 beses.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, umamin sa alegasyon si Shimada na tumawag sa nasabing istasyon ng pulis mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 8 nang may kabuuang haba na 27 oras. Sa bawat tawag nito ay nagsasabi ng mga insulto si Shimada sa mga nakakasagot na pulis.
Inaresto si Shimada matapos na tingnan ang cellphone nito. Napag-alaman na may nauna nang ginawang mga pagtawag si Shimada sa mga pulis ilang taon na ang nakakalipas.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan