今週の動画

MGA BATANG GALING SA MAHIRAP NA PAMILYA LUMILIIT ANG TSANSA MATUPAD ANG PANGARAP – SURVEY

Lumabas sa survey ng Kidsdoor, isang non-profit organization na may adhikaing masugpo ang child poverty, na lalong lumiliit ang tsansa ng maraming bata na galing sa mahirap na pamilya na matupad ang kanilang pangarap.

Ito ay dahil umano sa patuloy na pagtaas ng mga gastusin sa edukasyon dahilan upang magbawas sa paggastos at mawalan ng gana sa pag-aaral ang mga bata, ayon sa ulat ng NHK-World Japan. Sa 1,846 respondents, 51 porsyento ang nagsabi na kailangan bawasan ang paggasta sa ilang programa ng edukasyon tulad ng pagpunta sa museums.

Nasa 84 porsyento naman ang nagbabawas sa pagkain habang 74 porsyento sa pagbili ng damit at 62 porsyento naman sa ilang pang-araw-araw na pangangailan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!