今週の動画

9.9 PORSYENTO NG MGA BATANG ESTUDYANTE, CONSTIPATED

Lumabas sa isinagawang survey ng Japan Toilet Labo, isang nonprofit organization, na 9.9 porsyento ng mga batang estudyante ay constipated o may problema sa pagdumi.

Sa ulat ng The Mainichi, isa sa mga dahilan dito ay hindi sanay ang mga batang nasa elementarya na gumamit ng Japanese-style toilets. Nasa 26.7 porsyento ang mga bata na ayaw umano gumamit ng ganitong klase ng palikuran.

Sa naturang bilang, nasa 33.4 porsyento ang mga lalaki na hindi kayang gumamit ng ganoong klase ng palikuran habang 18.9 porsyento naman ang mga babae. Nasa 47.1 porsyento naman ng mga batang lalaki ang nagsabing gumagamit sila ng ganitong palikuran kahit hindi kumportable habang nasa 55.3 porsyento naman ang mga babaeng estudyante

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!