WACOAL MAGBIBIGAY NG TULONG SA PAGBABAYAD NG SAHOD NG 11 FOREIGN TRAINEES
Nangakong magbibigay ng tulong ang Wacoal Holdings Corp., isa sa mga pangunahing lingerie company, sa pagbabayad sa sahod ng 11 kababaihang Vietnamese, na nagtrabaho sa Koshimizu Clothing Industry Co. mula 2019 hanggang Oktubre 2022.
Sa ulat ng Asahi Shimbun, nagdesisyon ang Wacoal na magbigay-tulong sa hindi naibigay na sahod sa 11 foreign trainees matapos na magdeklara ng pagkalugi sa negosyo ang Koshimizu noong Nobyembre 14. Umabot sa 27 milyon yen ang hindi nabayaran ng Koshimizu sa mga ito.
Ang hakbang na ito ay bilang bahagi ng corporate social responsibility ng Wacoal, na nagpagawa umano sa Koshimizu ng 35,000 pajamas mula Disyembre 2019 hanggang Setyembre 2022 sa pamamagitan ng isang outsourcing company.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan