今週の動画

HINDI PAGDEDEKLARA NG KITA NG ILANG MAYAYAMAN UMABOT SA 83.9 BILYON YEN

Lumabas sa imbestigasyon ng National Tax Agency ng Japan na umabot sa 83.9 bilyon yen ang halaga ng hindi nabuwisan ng gobyerno sa unang kalahati ng taon dahil sa hindi pagdedeklara nito ng ilang mayayaman sa bansa.

Ayon sa ulat ng Jiji Press, lumabas na mas mataas ng 72.3 porsyento ang halaga ng hindi naideklarang kita kumpara noong nakaraang taon. Ito na ang pinakamataas na halaga na hindi nabuwisan ng gobyerno simula 2009. Tumaas naman sa 3.2 porsyento ang mga kaso na iniimbestigahan ng ahensiya hinggil dito.

Pumatak sa 23.8 bilyon yen ang kabuuang halaga ng penalty taxes sa mga naturang kaso na isa sa mga sanhi ay ang pamumuhunan ng ilan sa ibang bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!