OPINYON NG MARAMI: MABIBIGAT NA TRABAHO NAIBIBIGAY SA MGA FOREIGN TECHNICAL TRAINEES
Ipinag-utos ng gobyerno ng Japan na muling suriing mabuti ang programa hinggil sa pagtatrabaho ng mga foreign technical trainees habang sila ay sumasailalim sa pagsasanay sa bansa. Ito ay sa gitna ng pagsasabi ng marami na nagagamit ang programa upang maibigay ang mga mabibigat na trabaho na ayaw gawin ng mga Hapon sa mga dayuhan.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, bumuo ng panel ang Gabinete upang suriin ang programa at gumawa ng bagong mga patakaran kung kinakailangan. Layon nito na makakuha ng mga dayuhang manggagawa na mayroong mataas na kakayahan at karunungan.
Nakatakdang magsagawa ng unang pagpupulong ang panel hinggil dito bago matapos ang taon upang makapagsumite ng pinal na ulat sa 2023.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan