UBER EATS DELIVERY BOY GUMANTI SA CUSTOMER NA NAGBIGAY NG MABABANG RATING, ARESTADO
Inaresto ng mga pulis si Takuma Ichikawa, 27, matapos umano nitong ilegal na pumasok at magsaboy ng curry sa isang unit sa apartment building sa Tokyo. Ang biktima umano ay isang customer na nagbigay sa kanya ng mababang rating nang magpa-deliver sa Uber Eats app.
Sa ulat ng The Mainichi, nakuhaan sa surveillance camera ng apartment building ang ginawa ni Ichikawa noong Oktubre 12 at Oktubre 13. Binigyan umano ng mababang rating ng customer si Ichikawa dahil hindi maayos na dumating ang pagkaing inorder nito.
Mariing itinanggi naman ni Ichikawa ang mga paratang sa kanya at sinabing wala siyang alam tungkol sa naganap.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan