PAGPAPABAYA SA PAGMAMANEHO IKINAARESTO NG 97-TAONG-GULANG NA LALAKI
Arestado ng mga pulis sa Fukushima si Kuniyoshi Namishio, 97, matapos nitong makabangga ng isang pedestrian, 42, na namatay dahil sa malalang sugat na natamo nito sa ulo.
Ayon sa ulat ng Jiji Press, lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na minamaneho ni Namishio ang kanyang sasakyan nang mabangga nito ang naglalakad na pedestrian at pagkaraan ay bumangga sa tatlo pang sasakyan. Bahagyang sugatan naman ang mga lulan ng tatlong sasakyan.
Ani ng mga pulis, pumasa sa mga eksaminasyon si Namishio ng mag-renew ito ng lisensiya.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan