MAY-ARI NG KUMPANYA NG RAMEN SA KOBE ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA PAGTATRABAHO NG TATLONG DAYUHANG ESTUDYANTE
Inaresto ng mga pulis si Asohiko Uchida, presidente ng Moccos Foods Corp., sa Kobe noong Nobyembre 15 dahil sa paglabag umano sa Immigration Control and Refugee Recognition Act, ayon sa ulat ng Mainichi Japan.
Lumabas sa imbestigasyon ng Hyogo Prefectural Police na nagtrabaho ang tatlong dayuhang estudyante, nasa edad 22 hanggang 31 at mula sa China at Vietnman, ng humigit sa 50 oras kada linggo sa pagitan ng Abril at Setyembre 2022. Nakasaad sa visa ng tatlong dyuhan na hanggang 28 oras kada linggo lamang sila dapat na magtrabaho.
Itinayo ang Moccos Foods Corp. noong 1977 at mayroon itong 14 tindahan kabilang na ang ilang outlets at franchises sa Kobe at sa Nishinomiya.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”