LALAKI NA SAPILITANG INIRATAY SA OSPITAL NANALO NG 3.08 MILYON YEN SA KORTE
Nanalo sa isinampang kaso ang isang lalaki, na isang “hikikomori”, na sapilitang iniratay sa ospital sa loob ng 50 araw dahil sa kakulangan ng ebidensiya. Pinagbabayad ng korte ang Seijin Hospital sa Adachi Ward ng 3.08 milyon bilang danyos.
Ayon sa ulat ng Asahi Shimbun, sapilitang kinuha mula sa kanyang bahay ang lalaki, na nasa edad 30s, ng kumpanyang Clear Anwser noong Mayo 3, 2018 matapos na pumirma ang kanyang ama sa isang kasunduan. Makaraan ay dinala ng Clear Answer sa Seijin Hospital noong Mayo 11, 2018 ang lalaki kung saan na-diagnose umano ito na may psychotic disorders.
Sa desisyon ng korte, sinabi nito na walang sapat na ebidensiya na may sakit sa pag-iisip ang lalaki batay sa electronic medical records nito at hindi rin ang nakatalagang doktor ang tumingin sa kanya.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”