今週の動画

PITONG KATAO INIIMBESTIGAHAN SA DUTY-FREE SCAM

Pitong katao, kabilang na ang ilang Chinese nationals, ang iniimbestigahan ng Osaka Regional Taxation Bureau matapos na mamili ang mga ito ng 7.7 bilyon halaga ng mga produkto sa duty-free shops.

Sa ulat ng Mainichi Japan, magkakahiwalay na namili ang pitong katao kung saan pinatawan ang mga produkto ng 760 milyon ngunit nakaalis na ang mga ito ng bansa ng hindi nababayaran nang buo ang halaga ng buwis.

Napag-alaman ng mga awtoridad na ang pitong katao na ito ay inutusan lamang ng ilang nagnenegosyo sa Japan at hinatian sila sa kita ng pagbebentang muli ng mga nabiling produkto sa mas mataas na halaga.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!