今週の動画

BILANG NG NAKAWAN SA PAMPUBLIKONG PALIGUAN SA TOKYO DUMARAMI

Tumataas ang bilang ng mga nakawan sa pampublikong paliguan, partikular na sa paliguan ng mga kababaihan, sa Tokyo kung saan umabot na sa 100 milyon yen ang kabuuang halaga ng mga nakuha sa mga biktima.

Ayon sa ulat ng Jiji Press, ang mga miyembro ng isang gang ang pinaghihinalaang nasa likod ng nakawan na pinupuntirya ang paliguan ng mga kababaihan dahil walang security cameras sa mga ito.

Binubuksan umano ng mga nagpapanggap din na customers ang lockers at saka ginagawa ang pagnanakaw ng pera, credit cards at iba pa. Nangako ang mga awtoridad na paiigtingin nila ang pagbabantay upang mahuli ang mga salarin.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!