NAGOYA GAGAYAHIN ANG ORDINANSA NG SAITAMA NA NAGBABAWAL SA PAGLALAKAD, PAGTAKBO SA MGA ESCALATORS
Plano ng Nagoya na ipagbawal na ang pagtakbo o paglalakad sa mga escalators sa train stations nito at maging sa ilang establisiyimento. Ito ay upang maiwasan ang mga aksidente at bilang preparasyon na rin sa darating na Asian Games na gaganapin sa 2026.
Sa ulat ng Asahi Shimbun, nais na maipasa ang ordinansa ng mga opisyales ng Nagoya sa nakatakdang assembly sa Pebrero nang susunod na taon. Wala namang multa o parusang iimplimenta sa mga lalabag dito.
Matatandaan na unang nagpasa at nagpatupad ng ordinansa na ito ang Saitama Prefectural Government noong Oktubre 2021.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”