APELA NG INA NA GINUTOM ANG 5-TAONG-GULANG NA ANAK IBINASURA NG KORTE
Ibinasura ng Fukuoka High Court ang apela ni Rie Ikari, 40, matapos na mahatulan ng limang taong pagkakabilanggo matapos niyang gutumin ang kanyang limang-taong-gulang na anak na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Batay sa ulat ng Kyodo News, pinanindigan ng korte ang unang desisyon nito dahil sa kapabayaan ni Ikari kahit na sinulsulan lamang siya ng nakilalang kaibigan na si Emiko Akahori na bawasan ang pinapakain nito sa anak.
Simula 2019, kaunting pagkain lamang ang ibinibigay ni Ikari sa anak na si Shojiro na namatay noong Abril 18, 2020 dahil sa pagiging malnourished nito. Ani ng korte, kahit na kinontrol ni Akahori si Ikari ay may responsibilidad pa rin siya na alagaang mabuti ang anak.
Nahatulan din si Akahori, 49, ng 15-taon na pagkakakulong dahil dito. Bukod dito, guilty din si Akahori ng pagnanakaw ng halos dalawang milyon yen mula kay Ikari.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan