EMPLEYADO NG SAGAWA, ARESTADO DAHIL SA STALKING NG CUSTOMER
Inaresto ng mga pulis ng Azabu Police Station sa Tokyo ang empleyado ng Sagawa Express Co., na kinilalang si Tetsunobu Takagi, 38-taong gulang, delivery driver, dahil sa paglabag sa batas ng anti-stalking at paggamit ng company data.
Sa ulat ng The Mainichi, kinuha ni Takagi ang pangalan, numero at address ng isang babaeng customer, nasa edad 30s at residente ng Kita Ward sa Tokyo, mula sa computer ng kumpanya para tawagan at ayain na makipag-date sa kanya.
Aminado ang suspek na ginagawa niya ito sa iba’t ibang customers sa loob ng halos limang taon. Natagpuan ng mga pulis sa bahay ni Takagi ang isang listahan na naglalaman ng mga impormasyon ng ilang customers.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan