今週の動画

PAGBIBIGAY NG 100,000 YEN AYUDA PINAKAMAHAL NA PROYEKTO NG GOBYERNO NITONG PANDEMIYA

Sa inilabas na ulat ng Board of Audit, lumabas na isa sa pinakamalaking nagastos ng gobyerno ngayong pandemiya ay ang pagbibigay ng 100,000 yen na ayuda kada tao na umabot sa 12,772.3 bilyon yen.

Sa ulat ng Jiji Press, pumatak sa 76.492.1 trilyon ang nailaan na pondo ng gobyerno sa loob ng halos tatlong taong pagkakaroon ng pandemiya. Tinatayang nasa 94.492 bilyon yen ang ginastos sa 1,367 na proyekto na may kinalaman sa COVID-19.

Ilan pa sa nakapaloob sa 76 trilyon ay ang 15,885.5 bilyon yen para sa mga hakbang na may kinalaman sa infection prevention, 50,780.7 bilyon yen para sa mga proyekto sa ekonomiya at empleyo, 9,437.5 bilyon yen para sa pagbibigay ng subsidiya sa mga rehiyon, at 388.3 bilyon yen para sa pandaigdigan kooperasyon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!