ILANG KUMPANYA SA JAPAN NAGSISIMULA NANG MAGBIGAY NG ‘INFLATION ALLOWANCE’
Ilang kumpanya na sa Japan ang nagsisimula nang magbigay ng karagdagang bayad sa kanilang mga empleyado bunsod nang patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa.
Ayon sa ulat ng Asahi Shimbun, isa sa mga nagbigay na ng inflation allowance ay ang Kenmin Foods Co., isang kumpanya na mula sa Kobe, ng 50,000 yen para sa mga empleyado na nagtatrabaho ng isang taon o higit pa habang nasa 10,000 yen kapag wala pang isang taon.
Inanunsiyo rin ng Cybozu Inc., isa sa malaking IT company sa bansa na magbibigay sila ng isang bagsakang allowance na papatak sa 150,000 kada isa sa kanilang mga empleyado. Ilan pa sa mga nagbigay ng allowance ay ang Livlan Co., Valtes Co., Eat & Holdings Co., Oricon Inc., at Nojima Corp.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan