今週の動画

‘8th COVID-19 WAVE’ NAKAAMBANG MANGYARI SA TAGLAMIG

Nagbabala ang mga eksperto na maaaring magkaroon ng “8th COVID-19 wave” partikular na sa mga malalamig na lugar sa hilagang bahagi ng bansa, batay sa ulat ng The Mainichi News.

Lumabas sa tala ng gobyerno noong Nobyembre na tumaas na muli ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa kada 100,000 residente sa lahat ng prepektura nitong kasalukuyang linggo kumpara noong mga nakaraang linggo. Nakapagtala ang Hokkaido ng pinakamataas na bilang na sinundan naman ng Yamagata at Nagano.

Sinabi ni Tokyo Medical University professor Atsuo Hamada, isang eksperto sa mga nakakahawang sakit, na kailangang magpabakuna ang mga residente ng COVID-19 vaccine (omicron variant) at influenza vaccine bilang paghahanda sa maaaring ikawalong bugso ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!