今週の動画

MGA NAGBIBISIKLETA PAGHIHIGPITAN SA TOKYO

Paghihigpitan ng Tokyo Metropolitan Police Department ang mga nagbibisikleta na lumalabag sa batas trapiko dahil sa pagtaas ng bilang ng mga aksidente na sanhi ng mga pabayang siklista.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, bibigyan ng red tickets ang mga siklista na lumalabag sa batas na kinabibilangan ng hindi pagsunod sa traffic signals, hindi paghinto pansamantala, pagbibisikleta sa maling bahagi ng kalsada, at mabilis na pagpapatakbo sa bangketa.

Maaari naman makasuhan ng kasong kriminal ang mga siklista na makakabangga sa mga taong naglalakad na nasugatan o namatay.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!