今週の動画

CONSULTATION CENTERS PARA SA LGBTQ COMMUNITY KAILANGANG DAGDAGAN – ReBIT

Sinabi ni Mika Yakushi, 33,  reprentative director ng nonprofit organization na ReBit, na kailangang dagdagan ng gobyerno ang mga pasilidad para sa mga LGTBQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) na maaari nilang pagtanungan ng tungkol sa kanilang sekswalidad nang walang inaalala.

Sa ulat ng Jiji Press, ito ang naging tugon ni Yakushi matapos na lumabas sa isinagawang survey ng ReBit noong Setyembre 4-30 na 48.1 porsyento ng mga napapabilang sa LGBTQ community, na nasa edad 12-34, ang naisip na magpatiwakal habang nasa 14 porsyento naman ang nagtangka ng magpakamatay.

Lumabas din sa survey na 91.6 porsyento ng mga rumesponde ay ayaw o takot na kunsultuhin ang kanilang pamilya o malalapit na kakilala tungkol sa kanilang sekswalidad. Nasa 93.6 porsyento naman ang nagsabi na hindi rin nila kayang makausap ang kanilang mga guro  tungkol sa kanilang pinagdadaanan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!