今週の動画

PAGPAPABABA NG KURYENTE AT PAGBIBIGAY NG 100K YEN COUPONS TARGET NG GOBYERNO NG JAPAN

Target ng gobyerno ng Japan na tulungan ang bawat pamilya sa Japan na mapababa ang kuryente ng hanggang 2,000 yen at pamimigay ng coupons na nagkakahalaga ng 100,000 yen para sa mga magkakaanak bilang bahagi ng naipasang economic package.

Sa ulat ng Asahi Shimbun, sinabi ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na nasa 39 trilyon yen ang naaprubahan package bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado at pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

Sa naturang economic package, tinatayang 12.2 trilyon yen ang nakalaan sa pagpapababa ng kuryente; 4.8 trilyon yen para sa pagpapalakas ng turismo at pagpapalawig ng pag-eexport ng mga kumpanya; 6.8 trilyon yen para sa pagpapatibay ng bagong kapitalismo; at 10.6 trilyon yen para sa pampublikong proyekto, seguridad sa pagkain, at disaster management.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!