PITONG KATAO NASAKTAN SA ISANG INSIDENTE SA AEON MALL HANYU
Pitong katao ang nagreklamo ng pananakit ng mata at lalamunan matapos na mawisikan ng pepper spray ng isang babae sa Aeon Mall Hanyu bandang alas-7:20 ng gabi nitong Oktubre 24.
Ayon sa Kyodo News, biglang nagwisik ng pepper spray ang isang babae, na nasa edad 20s o 30s, sa mga tao malapit sa bayaran ng pagkain ng mall.
Agad na nakatakas ang suspek at kasalukuyang pinaghahanap ng mga pulis ng Hanyu sa pamamagitan ng surveillance camera footage na nakalap ng mga ito.
Agad namang dinala ang mga biktima sa ospital na nagtamo lamang ng minor injuries.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan