LALAKI INARESTO DAHIL SA BANTA NG SEGURIDAD SA KANSAI AIRPORT
Naantala ang 12 biyahe sa Kansai International Airport sa Osaka Prefecture nitong Oktubre 23 matapos na mag-trespass ang isang lalaki sa security area ng paliparan. Inaresto ang suspek dahil sa kaso ng trespassing.
Batay sa ulat ng The Mainichi, inaresto ng mga pulis ang lalaki, na nasa edad 40s, matapos na pumasok ito sa security checkpoints at departure inspection area ng Terminal 1 ng paliparan bandang alas-kwatro ng hapon. Dahil dito, natigil ang inspeksyon sa mga biyahero ng halos tatlong oras at na-delay ang ilang flights.
Iniimbestigahan na ng mga pulis kung paano nakapasok sa lugar ang suspek dahil wala itong dalang pasaporte at hindi rin sumailalim sa security check.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”