LALAKING INARESTO SA GUNMA NAGPATIWAKAL SA BILANGGUAN
Natagpuang patay ang lalaki na inaresto ng Gunma Prefectural Police sa detention center nito sa Ota, Gunma Prefecture matapos itong mabigti.
Sa ulat ng Sankei Shimbun, natagpuan ng guard ang lalaki na nakasabit bandang 6:50 ng umaga sa may toilet gamit ang manipis na cord. Agad na tumawag ang guard ng doktor ngunit wala na itong buhay ng matagpuan.
Hindi pinangalanan ang lalaki, na nasa edad 20s, at kung bakit ito nakadetine sa bilangguan ng mga awtoridad sa kahilingan na rin ng pamilya nito.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan