今週の動画

PAGDARAOS NG HALLOWEEN SA SHIBUYA TULOY NA; PAG-INOM SA DAAN IPAGBABAWAL

Muling magbabalik ang pagdiriwang ng Halloween sa Shibuya ngayong taon matapos ang dalawang taon na pagbabawal ng gobyerno bunsod ng pandemiya.

Sa ulat ng Asahi Shimbun, tuloy na tuloy ang pagdiriwang ng Halloween sa Shibuya ngunit hindi papayagan ng mga Shibuya Ward officials ang pag-inom sa mga kakalsadahan partikular na sa mga lugar ng Hachiko Square, Center-gai, Dogenzaka at Miyashita Park.

Ipagbabawal ang pag-inom mula alas-sais ng gabi hanggang alas-singko ng umaga mula Oktubre 28 hanggang Oktubre 31. Ito ay upang maiwasan umano ang mga kaguluhan na nagaganap sa lugar sa pagdiriwang nito. Bibigyan naman ng babala ang mga lalabag dito.

Tinatayang nasa 100 personnel ang itatalaga para masigurong maipapatupad ito.Hinikayat din ng mga opisyal ang mga establisiyimento na huwag magbenta ng alak sa mga nabanggit na araw.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!