TRAVEL SUBSIDY PROGRAM INIMPLIMENTA NA NG TOKYO
Makaraang iantala ng siyam na araw, nagsimula ng iimplimenta ng Tokyo ang travel discount campaign ng gobyerno upang hikayatin ang mga mamamayan nito na magbiyahe sa iba’t ibang lugar sa Japan.
Matatandaan na nagsimulang ipagpatuloy ang pagpapatupad ng naturang programa ng gobyerno ng Japan nitong Oktubre 11 ngunit tiningnan muna ng Tokyo ang magiging epekto nito sa mga kaso ng COVID-19 bago ito iimplimentang muli.
Sa ulat ng NHK World-Japan, maaaring makakuha ang mga lokal na turista ng hanggang 8,000 yen na discount kada gabi kabilang na ang transportasyon. Bukod dito, makakakuha rin ng shopping coupon na papatak ng 20 dollars kada tao at kada gabi. Kailangan lamang na tatlong beses ng nabakunahan kontra COVID-19 o may negative COVID-19 test result upang matanggap ang discount.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan