今週の動画

PAGGAMIT NG MARIJUANA PARA SA EPILEPSY GAGAWING LEGAL SA JAPAN

Planong susugan ng gobyerno ng Japan ang Cannabis Control Law upang maging legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa sakit na epilepsy. Inaasahan na maipapasa ng health ministry officials ang pag-amiyenda sa batas na ito sa Diet sa susunod na taon.

Sa ulat ng Asahi Shimbun, sisiguraduhin ng health ministry na ligtas, epektibo, at aprubado ang gamot na gawa sa marijuana sa pagsasalegal nito. Ginagamit na ng mga bansa na kabilang sa Group of Seven ang marijuana bilang gamot maliban sa Japan na kasalukuyang nagsasagawa ng clinical trial.

Samantala, hindi pa rin papayagan ng Japan ang paggamit ng marijuana bilang libangan lalo na’t tumataas ang bilang ng mga nahuhuli na nagmamay-ari nito.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!