MAS MATAAS NA TEMPERATURA NG ISANG SAUNA SA SHIGA INIREKLAMO
Nakatanggap ng reklamo mula sa ilang customers ang Miyakoyu, isang pampublikong sauna sa Shiga Prefecture, dahil sa mas mainit na temperatura sa lugar.
Batay sa ulat ng The Mainichi, sinabi ni Toshiki Hara, manager ng sauna, na ilang customers ang nagreklamo sa temperatura kaya tiningnan niya ang control panel nito. Napag-alaman niya na mas mataas ng 30 hanggang 40 Celsius kaysa sa normal setting ang temperatura. Dapat ay 110 Celsius ang temperatura sa sauna room ng mga lalaki at 100 Celsius naman sa mga babae ngunit parehong nasa 140 Celsius ito.
Ani Hara, maaaring mayroong customer ang gumalaw ng panel na nasa taas lamang ng pader ng sauna na madaling magalaw. Agad na inireport ito ni Hara sa mga pulis para maimbestigahan. Aniya, hindi nila basta pinapalitan ang temperatura sa kanilang sauna dahil maaari itong ikamatay ng mga customers. Nangako itong lalagyan ng kahon at lock ang panel upang wala ng makagalaw.Wala naman naiulat na nagkasakit bunsod ng insidente.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan