LALAKI UMAMIN NA TINULUNGAN ANG ISANG ESTUDYANTE NA MAGPAKAMATAY
Inaresto ng Kanagawa Prefectural Police si Yuya Nozaki, 28, matapos nitong tulungan ang isang estudyanteng babae, na nasa junior high school, na magpakamatay. Umamin ang suspek sa paratang laban sa kanya.
Sa ulat ng The Mainichi , ipinagmaneho ni Nozaki ang estudyante sa isang tulay sa Kanagawa Prefecture noong Setyembre 23 upang magpakamatay. Pagkaraan ng anim na araw, natagpuan ang labi ng estudyante sa ilog.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng social media at nagkita noong Setyembre 20 upang magpalipas ng oras. Nakita si Nozaki na kasama ng estudyante sa security camera footage matapos na i-report ng pamilya ang pagkawala nito sa mga pulis noong Setyembre 21.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan