今週の動画

PANDARAYA SA PAGKUHA NG SUBSIDY NG MGA KUMPANYA NATUKLASAN NG LABOR MINISTRY

Malaking bilang ng mga kumpanya sa Japan ang ilegal na nakatanggap ng subsidy mula sa gobyerno na umabot na sa 13.5 bilyon yen ang kabuuang halaga sa pagtatapos ng Setyembre.

Batay sa ulat ng Jiji Press, napag-alaman ito ng labor ministry nang magsagawa ang tanggapan ng survey at kanilang natuklasan na nagkaroon ng pandaraya sa pagkuha ng subsidy, na pambayad sa leave allowances ng mga empleyado ng mga naturang kumpanya simula Abril 2020. Kabilang din umano sa naturang subsidy ang pambayad sa mga empleyado na walang insurance sa trabaho.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!