今週の動画

¥100,000 SUPPORT PACKAGE BALAK IBIGAY NG GOBYERNO SA MGA BUNTIS

Balak ng gobyerno ng Japan na magbigay ng ¥100,000 bilang suportang pinansiyal sa bawat kababaihan para sa bawat sanggol na ipapanganak. Matatanggap ang ¥100,000 simula sa pagbubuntis nito hanggang sa tumuntong sa tatlong taong gulang ang sanggol.

Batay sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, mabibigyan ang bawat buntis ng coupons na maaari nitong gamitin sa pagbili ng pangangailangan ng sanggol gaya ng damit, gatas, diapers at iba pa.

Kailangan lamang mag-abiso ng kanyang pagbubuntis ang babae sa lokal na pamahalaan at mabigyan siya ng maternal at child health handbook upang mapasama sa proyektong ito. Layon ng proyekto na bigyan ng suporta ang mga kababaihan na nagpapalaki ng kanilang anak.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!