PROYEKTO PARA SUPORTAHAN ANG ILANG PAMILYA ILULUNSAD NG JAPAN
Plano ng gobyerno ng Japan na gawing taunan simula 2023 ang pagbibigay ng coupons sa mga pamilya sa bansa na mayroong miyembro na nasa edad 0 hanggang 2.
Sa ulat ng The Mainichi, makakatanggap ang mga ito ng libreng produkto para sa mga bata at iba pang serbisyo mula sa mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng ipapamahaging coupons. Ito ay bilang tugon sa panawagan ng ilang sektor para sa karagdagang suporta para sa bawat pamilya sa Japan.
Matatandaan na bumababa ang birth rate sa Japan sa mga nagdaang taon lalo na ngayong may kinakaharap na pandemiya. Nakapaloob na sa supplementary budget para sa fiscal 2022 ang pondo para sa coupons.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan