4.4M YEN NAIBIGAY NG 65-TAONG-GULANG NA BABAE SA ‘LOVE SCAM’
Tinatayang nasa 4.4 milyon yen ang nawala sa 65-taong-gulang na babae, na mula sa Higashi-Omi sa Shiga, matapos nitong maloko sa tinatawag na “international love scam.”
Ayon sa ulat ng The Yomiuri Shimbun, lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na nagpanggap ang suspek na isang Russian cosmonaut na nakilala ng biktima sa Instagram noong Hunyo 28. Simula noon ay nagpapalitan na ang dalawa ng mensahe sa pamamagitan ng Line app, at nagpahayag ng pagmamahal sa biktima ang suspek.
Nanghingi ang suspek ng pera sa biktima dahil kailangan umano nito na makabalik sa Earth mula sa International Space Station kung saan siya nagtatrabaho. Limang beses umanong pinadalhan ng pera ang suspek sa pagitan ng Agosto 19 hanggang Setyembre 5.
Nang dumalas ang paghingi ng suspek ay nagduda at nagsumbong na sa mga pulis ang biktima.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”